Wednesday, April 29, 2009

sirE De

Titigan mong mabuti...
Ano ang iyong nakikita?
Wag mong pansinin iyong barcode saka iyong plastic na pinagbabalutan nito.
Tingnan mong muli.
Ano ang iyong nakikita?
Huwag ka na mahiya!
Marami na ring napagkamalang ano yan.

Punung-puno ako noon ng pagkainis at magkakahalong damdamin na hindi ko alam kung kailan naumpisahang maipon. Hinayan ko na dalhin ako ng aking mga kamay at padaluyin ang aking nararamdam noong araw na iyon. Tatlong kulay lang ang nakayanan kung mabili para sa aming Humanities class pero ito rin kasi ang mga kulay na lumalabas sa king isip pag ako ay pumipikit. Madilim... madilaw...mainit...
Natapos na ang isa at kalahating oras. Hindi ko alam kung ito na nga ba yung imahe na nasa isip ko... hindi ako kuntento! Ngunit tinitigan ko ito sa malayo at ako'y nabigla ng lumabas ang imahe na sumusuklob sa akin ng mga nakaraang araw.
Sa isang manlilikha (artist), maging pangkaraniwan man o sadyang isinilang, makakaranas ka ng pangwakas na pagkakatuklas ukol sa iyong obra. pwede mo ring itanong pagkatapos mong padaluyin ang ang iyong damdamin, 'Ako nga ba ang gumawa nito?'.

1 comment:

  1. Ang nakikita ko rito, isang imaheng may gustong sabihin.
    Isinisigaw ang mga damdaming minsan na ring ikinubli.
    Nagpupumiglas.

    Sabi ko na nga ba't makata rin kayo.
    Inaway-away nyo pa ako nung minsan.
    Kung tutuusin, kayo pala dapat ang tinatawag na Baltazar.

    Hindi ako pintor, hindi ako magaling sa kung anumang visual art.
    Pero bilang isang manunulat, sa tuwing binabasa kong muli ang mga natapos kong akda, napapaisip na lang ako. "Talaga bang malalim ang Tagalog ko?"
    :P

    ReplyDelete