Nalalaman ko
na tanging pulot pukyutan ang laman nito,
Nag-uumapaw sa sigla
at halimuyak…
Sa paglapat ng kapwa
naming mga labi,
…naglalaro…
…ang tamis…
…na unti-unting pumapait.
Ngunit tila ang aking dila’y
hindi makatanggi,
Sa likod ng pait
….patuloy sa paglagok ng pasakit,
…walang sasayanging patak.
Uubusin ko
ang serbesang
katapusa’y di matalos…
Lulunurin ko
ang aking damdamin
tulad ng sa isang lasing,
Samahan mo ako,
…uminom…
…magnamnam…
…magpakalunod…
sa saro ng pag-ibig
yes makatang makata ah...
ReplyDeletehahaha,,,
kau ngicp nyn???
nice one,...
pra kanino nmn yan??
astig..
good job!!!